Thursday, June 18, 2009

Quotable Quotes From Bob Ong

yesterday night, i received a text message from annah.
"minsan hindi rin naman talaga ginusto ng mga taong mahal natin ang saktan tayo. hindi naman nila sinsadyang iwan tayo para sa bagong dumating. minsan kailangan din natin tanggapin na sa paniniwala nila, mas mahal nila yon. ganun lang naman talaga, dun sila kung saan sila masaya. ganun din naman siguro ang gagawin nating kung tayo ang nasa sitwasyon diba? lahat tayo mararanasang agawin, mang-agaw at maagawan. panapanahon lang yan." - bob ong

some quotes from the same author posted by langkelang @ istorya.net
ayon kay bob ong,
  1. "kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."
  2. "huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
  3. "huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
  4. "huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
  5. "parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
  6. "kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. dapat lumandi ka din."
  7. "pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
  8. "hiwalayan na kung di ka na masaya. walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
  9. "pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. kaya quits lang."
  10. "kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."
  11. "hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."
  12. "huwag magmadali sa babae o lalaki. tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."
  13. "minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."
  14. "mahirap pumapel sa buhay ng tao. lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."
  15. "alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
  16. "mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"
  17. "hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"
  18. "kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamusmo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! bakit? utang na loob! wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi ikaw mismo!"
  19. "pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."
  20. "gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
  21. "ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."
i wonder from which books of bob ong they were lifted? i have read the first 5 books he had written. i can't really remember these lines. *memory gap* maybe i will do some rereading. *smile*.

abnkkbsnplako?!
bakit baliktad magbasa ng libro ang mga pilipino?
ang paboritong libro ni hudas
alamat ng gubat
stainless longganisa

bagong aklat ni bob ong:
KAPITAN SINO

Ang pinakabagong superhero noon.
Mas matibay pa sa orig.
Sa mas mahabang panahon.

i can't wait to grab a new copy of bob ong's KAPITAN SINO. these books are available @ national book store. cover price @ p180.00. to view more details about the books and the author, click here.



*** note: all photos uploaded in this post came from http://visprintpub.blogspot.com/

4 comments:

  1. LOL. maka-relate ako dito: "hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

    xD

    ReplyDelete
  2. hehehe.korek! :) enjoy the moment.have fun!

    ReplyDelete
  3. .,,sa anong book po ba yan ni bob ong mababasa?

    ReplyDelete
  4. hi there! i'm sorry. hindi ko alam..that was a repost from langkelang @ istorya.net. i've read 5 books of bob ong but can't remember these lines. i just hope they are valid excerpts from his book(s). ^_^ thanks for dropping by.

    ReplyDelete